Erap humingi ng pardon

Pormal nang humi­ling na pagkalooban ng presidential pardon si dating Pangulong Erap Estrada kay Pangu­long Gloria Macapa­gal-Arroyo mata­pos iurong na nito ang kan­yang mos­ yon sa San­diganbayan kahapon.

Ito ang ibinunyag ka­hapon ni Justice Secretary Agnes Deva­nadera sa Malacañang reporters sa isang media briefing sa Palasyo.

Sinabi ni Sec. De­va­nadera, nagpadala kaha­pon ng 3-pa­hi­nang liham ang kampo ni Erap sa pa­mama­gitan ni Atty. Jose Fla­miniano sa kanyang tanggapan upang ipag­bigay-alam na iniu­urong na ni Mr. Estrada ang kanyang motion for reconsideration sa Sandiganbayan.

Nakasaad sa sulat ni Atty. Flaminiano, “ the time has come to end Pres. Estrada’s fight for justice and vindication before the courts. Today we filed a withdrawal of his motion for reconsideration. Pres. Es­trada himself believes that the appeal to the Supreme Court would be futile for even the possibility of a favorable judgment will not satisfy several more years of detention”.

Ayon kay Deva­na­dera, pag-aaralan ng kanyang tanggapan ang nasabing apela ng kampo ni Erap at isu­sumite na nito ang kan­yang rekomen­dasyon sa Pangulo sa loob ng isang linggo.

Sa huling bahagi ng liham kay Sec. Deva­nadera ni Atty. Fla­mi­niano, “in the highest national interest, to which President Es­trada is always willing to subordinate his own, we appeal to Your Excellency to grant him full, free and unconditional pardon”.

Magugunita na hi­natulan ng anti-graft court si Erap ng ha­bambuhay na pagka­kakulong dahil sa ka­song plunder noong Setyem­bre 12. habang inab­swelto naman sa katulad na kaso sina Sen. Jing­goy Estrada at Atty. Edward Se­rapio.

Show comments