Matapos iurong ang isinampang kaso laban kina dating Justice Secretary Hernando “Nani” Perez at kasalukuyang DOJ Sec. Raul Gonzalez, iniatras naman ng dating kongresista at pilantropong si Mark “MJ” Jimenez ang kasong estafa na kanyang inihain laban sa kanyang mga anak, manugang at asawa.
Kahapon ay personal na pinirmahan ni Jimenez, founder ng Hulog ng Langit Foundation, sa sala ni Atty. Cielitolindo A. Luyun, Ist Asst. Provincial Prosecutor ng DOJ, ang affidavit of desistance na nagsasaad nang pagbawi nito sa kasong estafa thru falsification na kanyang inihain sa asawang si Caroline Castaneda, anak na sina Mario Crespo, Virgilio Crespo, Myla Villanueva at manugang nitong si Generoso Villanueva.
Layon ni MJ na iaalay ang na lamang ang kanyang panahon sa mga banal na gawain kaysa ipagpatuloy pa nito ang galit sa mga kaaway sa pulitika at sa kanyang mga kaanak.
“These withdrawal of cases are unconditional. I have not talked to anybody. I have never seen anybody. I just want to do this because I just want to proceed with what I love right now, which is Hulog ng Langit Foundation,” ani MJ. (Ludy Bermudo)