Tulong sa naulila ng sundalo dinagdagan

Inutos ni Pangu­long Gloria Macapa­gal-Arroyo na mula sa dating P100,000 ay itaas sa P250,000 ang tulong na salapi sa pamilyang naulila ng mga sunda­long nama­tay sa pakiki­paglaban sa mga re­belde sa bansa.

Ito ang inihayag ka­hapon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasabay ng pagga­wad ng Pangulo ng  Posthumous Gold Cross Medal Award sa apat na tauhan ng Navy Commandos na nasawi sa pakikipag­ laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan noong Oktubre 2.

Ginawa ang para­ngal sa apat na sundalo sa isang seremonya sa Sangley Point, Cavite na kinaroroonan ng bang­ kay ng apat na Commando.

Kabilang sa mga gi­nawaran ng parangal sa ipinakitang kabaya­nihan sa serbisyo ay sina  Gun­nersmith Jay Soguitan, Fireman First Class Machinery repairman Mi­chael Abrio, Seaman Second Class quartermaster Ruel Peralta, at Seaman Second Class radarman Joe Vincent Sistoza.  (Joy Cantos at Rudy Andal)

Show comments