Isang kongresista sa Eastern Samar ang inakusahang sinungaling matapos itago nito sa publiko ang katotohanan ng kanyang pagiging Filipino sa nakaraang halalan.
Inakusahan ni Mayor Gil Norman Germino ng Can-avid, Eastern Samar si Rep. Teodulo Coquilla ng panlilin lang na ang naging resulta nito ay kawalan ng kumakatawan sa Kongreso.
Si Coquilla ay nanalong solon sa Eastern Samar noong nakaraang eleksiyon. Ngunit noong July 6, ang Special Committee on Naturalization (SCN) sa isang resolusyon, ay binabawi ang certificate of repatriation ni Coquilla at inaalis ang pagiging Filipino nito.
Sinabi ni Germino, ang kanyang lalawigan ay hindi kumakatawan sa Mababang Kapulungan ng isang hindi Filipino kaya marapat umanong mapalayas si Coquilla sa Kongreso.
Una ng kinuwestiyon ang pagiging Pinoy ni Coquilla noong March 23, 2007 kasunod nang magharap ito ng kandidatura noong March 28, 2007.
“Coquilla’s certificate of repatriation was revoked by SCN for he gave up his Filipino citizenship by naturalization and not on account of any political or economic necessity as required by RA 8171,” sabi ni Geronimo.
Si Coquilla ay naging naturalized US citizen noong October 1970.
Katwiran ng solon, nabawi niya ang kanyang pagiging Filipino noong November 2000 ng manumpa ito sa SCN.