5 Pinoy seamen absuwelto sa smuggling ng ‘damo’ sa Turkey

Inabsuwelto ng Turkish court ang isang Pinoy na kapitan ng barko at apat na tripulante nito kaugnay ng smuggling ng marijuana sa bansang Turkey noong nakalipas na Mayo.

Sa report na tinang­ gap ng Department of Foreign Affairs (DFA), wa­lang matibay na ebi­den­syang naiharap laban sa mga akusadong sina Cap­tain Reynaldo Derige, Second Officer Julio Ca­gampan, Chief Engr. Otho­niel Bungalso, Chief Officer Alberto Jose at Bosun Franciscio Pontillas. Sinabi ni Guinomla na pi­ na­­kiusapan na niya si Gng. Ana Maria Cristina Oben-Nazareno, vice pre­sident ng Wallem Ma­ritime Services Inc na tu­mulong sa pagpapa­balik sa bansa kina Captain Derige at sa mga tripu­lan­te nito na kasalukuyang nasa Istan­bul.

Ang kaso laban kina Derige at mga tripulante nito ay nag-ugat sa pag­kakadiskubre ng mga marijuana sa loob ng isang metal na container na nakitang nakatago sa ilalim ng barkong Federal Fuji sa search operation ng mga awtoridad sa Turkey noong nakaraang Mayo.

Nasamsam ang mga marijuana matapos na dumaong sa Turkey ang  barko noong Mayo 11.

Si Derige ang nag­report sa mga awtoridad sa pagkakadiskubre sa kahina-hinalang container na inabandona sa nasa­bing barko kung saan ay ang nasabing mga Pinoy pa ang nakasuhan. (Joy Cantos)

Show comments