Hindi umano maaaring gamiting dahilan sa pagpapawalang-bisa ng kasal ang pagiging hindi karapat-dapat na abogado ng isang lalaki para sabihing ires ponsable siyang asawa.
Ito ang binigyang-linaw ng Supreme Court (SC) First Division sa kaso ni Atty. Justo J. Paras matapos ibasura nito ang inihaing petition ng kanyang maybahay na si Rosa Yap Paras, na kumukwestiyon sa naging pagbasura ng inihaing annulment of marriage sa Regional Trial Court at Court of Appeals (CA).
Ayon kay Justice Angelina Sandoval Gutierrez, wala silang nakitang psychological incapacity sa panig ng lalaki. Maituturing lamang umano ito na “emotional immaturity and irresponsibility” na hindi katumbas ng psychological incapacity.
Ipinaliwanag ng SC na walang ebidensiyang nakita para sabihing may depekto ang lalaki sa panahon ng kanilang kasal o malala at walang lunas na karamdaman. Napatunayan din na nagkaroon pa ng harmonious marriage ang dalawa at nagkaroon ng mga property. Naging dahilan lamang umano ng pagiging irespon- sable ng lalaki matapos ang pagkamatay ng 2 sa 4 nilang anak na nauwi sa madalas na hindi pagkakasundo.
Bukod pa ito sa pagkaubos ng salapi ng mag-asawa nang matalo sa mayoralty election ang lalaki at hindi na niya makayanan ang gastusin upang ipagpatuloy ang pagiging abogado.
Nakaranas din ng hindi magandang pagtrato ang lalaki sa kanyang misis at sa mga anak na lalong nagpababa sa kanyang self-esteem at ego.
Nabatid na sinuspinde ng isa’t kalahating taon si Justo bilang abogado dahil sa umano’y pamemeke ng pirma niya, imoralidad at pag-abandona sa kaniyang pamilya. (Doris Franche)