Sa kabila ng ka song kinakaharap ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Sandiganbayan kung saan nahaharap ito sa kasong “illegal use of alias”, nais naman ng anak niyang si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na taasan ang parusa sa mga taong gumagamit ng hindi totoong pangalan sa publiko.
Nais ni Sen. Estrada na amiyendahan ang batas kaugnay sa ilegal na paggamit ng hindi totoong pangalan na ginagawa ng ilang indibiduwal upang matakasan ang nagawang krimen; makaligtas sa kaso; o kaya’y makapaminsala sa publiko.
Sa panukala ni Estrada, ipinaliwanag nito na sa kasalukuyan, “aresto mayor” lamang ang ipi napataw sa mga nasabing indibiduwal o pagkakulong ng mula isang buwan hanggang anim na buwan at multang hindi hihigit sa limang daang piso (P500).
Ayon kay Estrada, ka limitan na yaong may mas mabigat na krimen katulad ng rape o murder ang mga gumagamit ng pekeng pangalan kaya dapat lamang na taasan din ang parusa sa kanila. (Malou Escudero)