Full military honors sa 25 napatay na sundalo

Binigyan ng full military honors ng Armed Forces   of the Philippines (AFP) ang 25 sundalo ng Philippine Army na nasawi sa pakiki­pagbakbakan sa grupo ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Kabilang sa mga na­sawi ang 22-anyos na si 2nd Lt. Carmelo Anthony Camilon na kalalabas pa lamang sa Philippine Military Academy batch 2007 at mag-iisang buwan pa lamang nakadestino sa Mindanao.

Kahapon ay dumating sa Basilan sina AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon at Dept. of National Defense Secretary Gilbert Teodoro para personal na dalawin at pala­kasin ang morale ng mga sundalo at i-assess ang sitwasyon sa Basilan at Sulu.

Layon din nila na ma­rebisa ang standard-ope-rating procedure (SOP) sa field upang mabawa­san ang bilang ng nama­matay na sundalo. (Danilo Garcia)

Show comments