Barangay at SK poll tuloy pa rin – DILG

Positibo pa rin ang Department of Interior and Local Government na matutuloy na rin ang Barangay at Sanggu­niang Kabataan  elec­tions sa Oktubre ma­tapos magparam­dam ang Kongreso sa pla­nong ikansela ito nga­yong taon dahil sa isyu umano sa pananalapi.

Sinabi ni DILG As­sis­tant Secretary Brian Yamsuan na “all-sys­tems-go” pa rin sila sa inaasahang eleks­yon na mapipigil la­mang kung magpapa­sa ng batas ang Kon­greso para sa kanse­lasyon nito.

Ito’y matapos na maki­pag-ugnayan kama­kailan si House Speaker Joe De Vene­cia kay Commis­sion on Elections Chair­man Benjamin Abalos kung saan inihayag nito na mayorya umano ng mga kongresista ang nag­nanais na ikansela ang naturang eleksyon dahil sa masamang epekto umano nito sa kalaga­yan sa panana­lapi ng bansa.

Partikular na nagpa­sa na ng isang panuka­la si Cebu Rep. Eduar­do Gullas na nagsabi na maaaring umakyat ang “interest rates” ng bansa at hindi makare­ko­ber sa koleksyon sa buwis sa gaganaping elek­syon dahil sa sa­riwa pa ang mga na­g­anap sa naka­raang eleksyon nitong lumi­pas na Mayo.

Sinasabing posib­leng pumabor umano si Abalos sa suhestiyon ng Kongreso at mag­talaga na lamang ng mga ba­gong chair­man at iba pang opis­yales ng mga barangay at kabataan para nga­yong taon.

Sa kabila nito, iginiit ni Yamsuan na tuluy-tuloy pa rin sila sa kani­lang ginagawang pag­­hahanda kasama na ang mga opisyal ng mga pamahalaang lo­kal sa buong bansa pa­ra sa naturang hala­lan.

Iginiit nito na buhat noong taong 2002 hang­­­gang kasalu­ku­yan, umaabot na sa 2,628 na mga baran­gay chairman ang na­ma­matay at nag-ap­point na lamang ang pamahalaan ng mga kapalit ng mga ito.  Uma­a­bot rin sa 12,982 barangay officials at 10,354 SK officials ang ini-appoint na lamang sa kanilang puwesto.

Nangangailangan na umano ng eleksyon upang mabatid kung sino ang nais ng taum­bayan na maluklok sa mga puwesto. Bukod pa dito ang sentim­yento ng publiko na ma­yorya ng mga opis­ya­les ng ba­rangay ay lubhang uma­abuso na sa ka­pang­yarihan ha­bang pawang mga may asa­wa’t anak na ang mga opisyales ng SK at hindi na ma­ituturing na ka­ba­taan.  (Danilo Garcia)

Show comments