PBA Commissioner sinibak ng SC sa pagka-abogado

Sinibak ng Korte Su­ pre­ma sa pagiging abu­gado si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Jose Em­manuel “Noli” Eala dahil sa pakiki­apid.

Sa 9-pahinang per curiam decision, disbarment ang ipinataw na parusa ng SC kay Eala matapos itong sampahan ng kaso ni Jo­selano Guevarra ang asawa ng babaeng ki­nakasama ng nasabing PBA Commissioner.

Hindi naman itinanggi ni Eala ang kanyang re­lasyon kay Irene Moje, sa kabila ng iginigiit nito na patago la­mang ang ka­nilang relasyon at hindi niya ito ipinag­ma­malaki.

Ipinaliwanag naman ng Korte na ang pakikipag-relasyong sekswal ng isang lalaking may asawa sa isang babaeng may-asawa ay itinuturing na “grossly immoral conduct” kahit pa lihim o walang nakakaalam ng kanilang relasyon.

Bukod dito, hindi rin itinanggi ni Eala na nagka­roon sila ng anak ng nasa­bing babae, subalit idina­hilan nito na pinawalang bisa na umano ng huku­man ang kasal ni Moje kay Guevarra.

Sa kabila nito, binig­yang diin ng SC na na­gawa ni Eala ang nasa­bing kasa­lanan bago pa man mapa­walang bisa ang naturang kasalan. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments