Erap nagtaksil kay FPJ?

Duda na rin umano si Senador Gregorio “Grin­ go” Honasan sa tunay na “lo­yalidad” ni dating Pa­ngu­long Joseph Estrada hing­gil sa pakikitungo nito sa sinasabing tunay na kaibi­gang si Fernando Poe Jr..

Reaksiyon ito kahapon ni Honasan matapos kunan ng pahayag kung nani­niwala siyang may kato­tohanan ang mga nagla­labasan sa internet na pakikipag-usap ni Estrada sa isang “napakamaim­pluwensyang tao” sa Ma­lakanyang para lamang mahati ang oposisyon sa pagitan ng yumaong ka­ibigan nitong aktor na si Fernando Poe Jr.  at Sen. Panfilo Lacson na kapwa kumandidato at natalo sa presidential election noong taong  2004.

“Kung pagtugma-tug­main baka may pinag­mulan ito, sinasabi ko lang pero hindi ako nag-ees­peculate, isang agam-agam na baka nga may­roong naganap na ga­noong usapan,” paliwanag ni Honasan.

Si Honasan ang tuma­yong chief security ni Poe sa naturang eleksiyon.

Sa hiwalay na pana­yam, sinabi naman ni Senate Minority Leader Aqui­lino “Nene” Pimentel na may narinig na rin siyang “tsismis” hinggil sa sina­sabing Hello Erap scandal. Gayunman, ayaw munang magbigay ng komento ng beteranong senador hing­gil dito.

Sa naturang “transcript” na kumalat sa internet, nakipag-usap umano si Estrada sa Malakanyang para lamang matiyak na hindi kailanman magsa­sanib puwersa sina Poe at Lacson. Ang kapalit nito ay maipanalo lamang nang sigurado ang anak niyang si Jingoy sa senatorial election.

Nagkakulay sa natu­rang pag-uusap ang ka­tapatan ni Estrada kay Poe dahil wala siyang inten­syong pagbatiin ito at si Lacson. 

Pero pinabulaanan ng kampo ni Estrada at ma­ging ang mga kasamahan nito noong 2004 elections na mayroong usapan na naganap.

Sinabi naman ni Sen. Francis Escudero, dating tagapagsalita ni United

Opposition (UNO) na dapat ilabas ang sina­sabing tape at mahus­gahan, at hindi na rin dapat buhayin ang isyu lalo pa’t ang isang kasamahan ay matagal ng namayapa. (Malou Escudero)

Show comments