Pinoy na mekaniko natagpuang patay sa US

Isang mekanikong Pilipino ang natagpuang patay sa loob ng isang garahe ng kotse sa Belleville, New Jersey (United States) noong Huwebes ng umaga, ayon sa isang naantalang ulat ng Filipino Express Online na nakabase sa naturang bansa.

Sinabi sa ulat na maraming bugbog sa katawan ang biktimang si Arnulfo Diroy, 52, nang matuklasan sa loob ng Tuloy-Kayo Auto Garage sa 568 Franklin Avenue sa Belleville. 

Sinasabi naman ng prosecutor’s office ng Belleville na may mga palatandaan na biktima ng “blunt force trauma” si Diroy bagaman hindi pa malaman ang motibo ng pagpatay sa kanya.

Dumayo noong 2005 si Daroy sa US at tumira sa bahay ng kanyang kapatid na babae sa Nutley. Nabatid na naiwan niya sa Pilipinas ang kanyang asawa at mga anak.

Show comments