SUBIC INTERNATIONAL AIRPORT — Nagpahiwatig kahapon si Pangulong Arroyo na posibleng tumakbo siyang muli sa darating na 2010 elections subalit sa pagkakataong ito ay bilang kongresista sa Unang Distrito ng Pampanga.
“Who knows baka tumakbo ako sa darating na 2010 bilang kongre sista sa aking lalawigan sa Pampanga,” pahayag ng Pangulo sa kanyang opening statement sa ginanap na Luzon Urban Beltway (LUB) conference dito.
Magtatapos ang termino ni Pangulong Arroyo sa 2010 at sa ilalim ng Konstitusyon ay bawal na itong kumandidatong muli bilang pangulo maliban na lamang kung maaamyendahan ang Saligang Batas at maging Parliamentary ang porma ng pamahalaan ay puwedeng mahalal siyang Prime Minister kung siya ay miyembro naman ng itatayong Parliament.
Kung maaamyen dahan ang Konstitusyon sa 2010 at magiging kongresista si PGMA ay mabubuwag ang Kongreso kaya ang mga miyembro ng Kamara at Senado ang pansamantalang bubuo ng Parliament at maghahalal sila ng magiging Prime Minister.
Sa nasabing conference ay ipinagmalaki rin ng Pangulo ang mga pangunahing proyekto ng LUB na malaki ang naitulong sa ekonomiya dahil sa infrastructure projects na lalong maghihikayat sa mga foreign investors na mamuhunan sa mga pangunahing economic zones sa Luzon tulad ng Clark at Subic.
Kabilang sa mga proyekto ng LUB na ipinagmalaki ni PGMA ang Clark-Subic highway na inaasahang matatapos sa Marso 2008.