Lotilla sibak sa DOE, Reyes ipinalit!

Sinibak ni Pangulong Arroyo bilang kalihim ng Department of Energy (DOE) si Secretary Ra­pahel Lotilla at inihayag ang pagtatalaga kay Environment Sec. Angelo Reyes bilang kapalit nito.

Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, ang hakbang ay bilang bahagi pa rin ng Cabinet revamp.

Paliwanag ni Ermita, noong nakaraang taon pa nagpapahiwatig si Lotilla na magbibitiw sa puwesto. Tinanggap na­man ng Pangulo ang kanyang resignation.

Iuupo kapalit ni Lo­tilla si Reyes, habang iti­nalaga ng Pangulo si dating Manila Mayor Lito Atienza bilang kalihim ng Department of Environment and National Resources.

Itinalaga din si Press Assistant Secretary Jose Capadocia bilang Press Undersecretary kapalit ng nagretirong si Usec. Isabel de Leon. (Rudy Andal)

Show comments