Binatikos ng insurance companies ang kautusan ng Department of Transportation and Communication hinggil sa pagpayag sa GSIS na siyang otorisadong mag - isyu ng Compulsory Third Party Liability insurance sa lahat ng mga behikulo mula July 24. Sinabi ng Bukluran ng Manggagawa sa Industriya ng Seguro at United Alliance of Non-Life Workers of the Philippines na hindi makatarungan at walang abiso sa sector ng insurance ang naturang direktiba. “Nalinlang kami dahil ito ang aming kabuhayan lalo na nang malaman namin na ipapatupad ito sa loob ng 90 araw,” sabi ng grupo na nagdagdag na labag sa Konstitusyon ang bagong hakbang at isang klase ng monopolya. (Angie dela Cruz)