Partial proclamation ng 10 nalong senador tuloy na ngayon

Tuluy na ngayong gabi ang partial proclamation ngayong araw sa 10 nana­ long senador at pinadalhan na ng invitation ng Comelec ang mga kandidatong pa­sok sa winning circle.

Ayon kay Comelec Chair­man Benjamin Aba­los, ang proclamation ay isa­sagawa dakong alas-7 ng gabi sa Philippine International Convention Center (PICC).

Aniya, mas pinalawak umano ang lugar na pag­darausan ng nasabing proclamation dahil na rin sa inaasahang dadagsa ang mga supporters ng mga kandidatong nais na maka­saksi dito.

Batay sa kasaluku­yang Comelec at Namfrel tally, pasok sa magic 10 sina Loren Legarda, Francis Escudero, Panfilo Lacson, Manuel Villar, Francisco Pangilinan, Benigno Aquino Jr., Ed­gardo Angara, Allan Peter Cayetano, Joker Arroyo at Gringo Honasan.

Nilinaw  naman ni Aba­los na hindi muna maipo­proklama ang ika-12 at ika-13 senador dahil hindi pa natatapos ang canvas­s­ing sa ilang ba­yan ng Minda­nao na aabot sa 1.17M boto.  (Grace dela Cruz)

Show comments