Pinoy todas sa bomba sa Iraq

Isa pang sundalong Filipino-American ang namatay sa pagsabog ng isang bomba sa Iraq habang nagpapatrulya siya sa Ilbu Falris sa naturang bansa.

Ayon sa isang ulat kahapon ng Honolulu Star Bulletin, napatay noong Martes ng na­karaang linggo si Sergeant Richard V. Cor­rea, isang 25 anyos na squad leader ng United States Army.

Namatay si Correa bunga ng mga sugat na tinamo niya nang suma­ bog ang isang bomba habang nag­papatrulya siya sa naturang lugar.

Sinasabing naka­talaga siya sa 2nd Batallion, 14th Infantry Regiment, 2nd  Brigade Combat Team, 10th Mountain Division na nakabase sa Fort Drum, New York. 

Tubong Lingayen, Pangasinan si Correa na nagtungo sa Honolulu noong 1990s at sumapi sa US Air Force bago nalipat sa Army noong 2004. Nabigyan siya ng US citizenship noong 2006.

Show comments