Manggagawa tatanggap ng double pay sa Hunyo 11

Doble ng kanilang sahod ang tatanggapin ng mga manggagawa kapag pumasok sila sa trabaho sa Hunyo 11.

Ito ang inihayag ka­hapon ni Department of  Labor and Employment Secretary Arturo Brion  na nagpaalala sa mga employer na mag­laan ng additional pay sa kanilang mangga­gawa kapag pumasok ang mga ito sa natu­rang petsa na idinek­lara ng pamahalaan bilang non-working holiday.

Ipinaliwanag ni Brion na ang mga mang­ga­gawa sa priba­dong sek­tor ay kaila­ngang tu­manggap ng 200 percent additional pay  ka­pag nagtrabaho ang mga ito sa susu­nod na Lunes.

Idiniin pa ng kalihim na tatanggapin ng mang­gagawa ang kan­yang regular na sahod sa Lunes kahit day-off niya ito o araw ng tra­baho.

Kapag dayoff  anya ng isang manggagawa sa Hunyo 11 pero nag­trabaho ito, tatanggap siya ng  260 percent ng kanyang regular na sahod at 30 percent para sa overtime.  (Mayen Jaymalin)

Show comments