Most essential power

Ginawaran ng Philippine Medical Association ng certificate of affiliation sa isang seremonya sa Tagaytay Royale Country Club sa Tagaytay City noong Mayo 18 ang Philippine College of Medicine, isang asosasyon ng mga addiction medicine specialist. 

Dahil sa PCAM, kini­lala sa buong mundo ang Pilipinas bilang isa sa bansang merong pro­fessionalized medical services laban sa addictions.  

Nabatid na ang PCAM at ang Philippine Association of Dangerous Drugs Board-Accredited Physicians Inc. ay nagsanib sa pagdaraos ng convention nito sa Rembrandt Hotel sa Quezon City sa  Nob­yembre  22-23, 2007.  Anu­mang katanungan ay maitatawag kina PCAM secretary Dr. Desiree Chiongson (02-9277253), Dr. Sarah Belosillo (02-9290382) at Dr. Rosendo Sualog (02-7116982).

Show comments