Pinoy, 9 pa dinukot sa Nigeria

Dinukot ng mga ar­madong militante ang isang Pinoy at siyam pang dayuhan sa pani­bagong insi­dente ng kidnapping sa Nigeria nitong Biyer­nes.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Un­der­secretary Este­ban Conejos Jr., ina­alam pa ang pagka­kakilanlan ng bihag na OFW habang patuloy ang kanilang paki­kipag-ugna­yan sa Nigerian government.

Kabilang din sa ki­nid­nap ang tatlong Ame­rikano, tatlong Briton, isang South African at isang Nigerian. Ang mga biktima ay dinu­kot sa isang pipe laying vessel na pag-aari ng Co­noil, isang Nigerial Oil Company. 

Sa inisyal na ulat, lulan ang mga abductors ng dalawang speed boat at pina­putukan ang mga security guards ng bar­ko na sinasakyan ng mga binihag sa katimugang bahagi ng State of Ba­yelsa doon.

Karaniwan na ang pa­ngingidnap at pag­papa­tubos ng ransom ng mga militant rebels laban sa mga dayu­hang tuma­tapak sa kanilang teri­toryo.

Marami na ring OFW ang dinukot da­hilan para pansaman­talang ipatigil ng pa­mahalaan ang pagpa­padala ng mga manga­gawa roon. (Joy Cantos)

 

Show comments