Atong Ang laya na!

Pinalaya na kaha­pon mula sa kulungan ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang makaraang pagbigyan ng Sandiganbayan Spe­cial Division ang kahilingan niyang probation.

Si Ang na kumpare at kapwa akusado ni dating Pangulong Joseph Estrada sa P4.1 bilyong kasong plunder ay inila­gay ng anti-graft court sa 2-year probation bilang tugon sa reko­mendasyon ni Quezon City Chief Probation and Parole officer Ceres P. Año­nuevo makaraang mag-plead guilty sa kasong indirect bribery.

Gayunman, obli­ga­do si Ang na mamalagi sa kanyang bahay sa Co­rinthian Garden, Que­zon City at humingi ng permiso sa korte bago lumipat ng ibang tirahan o mangibang-bansa.

Pinagbabawalan din ng korte si  Ang na maki­pag-ugnayan sa mga taong may ma­samang reputasyon at bawal din itong mag­sugal.

Bukod dito, inata­san din ng korte si Ang na magtanim ng pu­nungkahoy sa Quezon City Circle o kahit sa La Mesa Dam Watershed dalawang beses sa isang buwan.

Nagbabala ang korte na ipapaarestong muli si Ang kapag hindi sumunod sa mga ipi­nataw na kondisyon sa kanyang paglaya.

Show comments