Yes you can

Muling nahalal si Congressman Ignacio “Iggy” Arroyo Jr. para sa kanyang ikalawang termino bilang kina­tawan ng ika-5 distrito ng lalawigan ng Negros Occidental. Umani si Arroyo ng kabuuang 76,503 boto laban sa 47,499 boto na nakuha ng kanyang katunggaling si dating Cong. Joseph Apolinario Lozada para sa kalamangang 29,004 boto.

Nagwagi si Arroyo sa halos lahat ng bayan at siyudad na nasasakupan ng ika-5 distrito, kabilang na ang tinubuang bayan ni Lozada na Moises Padilla.

Ayon naman kay Isabela Mayor Renato Malabor, ang performance ni Arroyo at ang kanyang mga proyektong pang-kaunlaran at imprastraktura sa buong distrito ang naging susi nito sa tagumpay sa halalan.

Show comments