Libu-libong raliyista ang susugod ngayong araw sa bisinidad ng Philippine International Convention Center sa Pasay City upang iprotesta ang talamak at malawakang dayaan umano sa resulta ng eleksyon.
Sinabi ni Task Force Poll Watch head Giovani Tapang ng Genuine Opposition na tinatayang 7,000 o higit pa ang dadalo sa rally upang kalampagin ang grupo ni Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos Sr. na maging patas sa pagbibilang ng boto ng taumbayan. (Joy Cantos)