Doc slain inside hospital

Hiniling kahapon ni Genuine Opposition senatorial candidate Alan Peter Cayetano sa Korte Suprema na ibilang sa kanya ang dalawang milyong “stray votes” na Cayetano pati ang boto ng kanyang kapangalan na si Joselito “Peter” Cayetano na naunang dinisku­walipika ng Commission on Elections.

Iginiit pa ni Cayetano sa High Tribunal na bale­walain nito ang naunang resolusyon ng Comelec na nag-aatas sa board of election inspectors na gawing stray votes ang mga botong Cayetano o Peter.

Wika pa ng Taguig-Pateros lawmaker, dapat lamang na ibilang sa kanyang panig ang mga botong ito matapos idiskwalipika ng Comelec si Joselito Cayetano noong Mayo 11. (Rudy Andal)

Show comments