Ayon kay Dr. Joseph Fama na sumusuri sa ginang, ipinasok sa Region 1 Medical Center noong Mayo 6 ang biktimang si Myla Landingin makaraang makakain ng hinihinalang ‘expired’ na Maling meat loaf na nagmula umano sa kampo ni Lim.
Si Landingin na residente ng Bonuan Catacdang sa naturang lalawigan ay dumanas ng pagdudumi, dehydration at pananakit ng tiyan dahil sa pagkalason sa pagkain, ayon sa duktor.
Sinasabi ni Landingin na iniulam niya sa hapu nan noong Sabado ng gabi ang dalawang de-latang Maling na kasama ng bigas at pera na naunang ipinamigay sa kanyang barangay ng mga tagasuporta ni Lim.
Nabatid na may 2006 expiry date ang naturang mga delata.
Pero, bandang madaling-araw, sumakit ang kanyang tiyan at nagsimula siyang sumuka at magtae hanggang sa isugod siya sa ospital.
Sinabi pa niya na wala siyang ibang kinain nang gabing iyon kundi ang Maling. Ipinagpasalamat niya na uminom lang ng Milo ang kanyang tatlong anak kaya nakaligtas ang mga ito sa pagkalason. Ipinagdamdam lang niya na sa ospital siya nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Lunes at hindi man lang siya dinalaw at tinulungan ng kampo ni Lim.
Sinabi ni Fama na ma lamang namatay si Landingin kung hindi siya agad naisugod sa pagamutan.
Samantala, sinabi ng anak ni Lim na si Marc Brian na kumakandidato ring alkalde na black propaganda lang ng ka nilang mga kalaban ang report hinggil kay Landingin.
"Ginagamit nila ito para siraan kami," sabi ng batang Lim na nagsalita para sa kanyang ama. (Eva Visperas)