Okey ipakilala ang nominees

Okay lang para sa partylist na COOP-NATCCO na ipakilala ang kanilang mga nominees sa kabila ng paggigiit ng Commission on Elections na ipinagbabawal ito ng Partylist System Act.

Kontrobersyal na usapin ngayon kung dapat ba o hindi na ipakilala ng mga party-lists ang kani-kanilang nominees.

"Kami sa partido COOP-NATCCO, walang problema kung ipakikilala ang aming mga nominees," wika ni Charlie Miranda, secretary-general ng partido.

Ang mga nominado para kinatawan ng COOP-NATCCO ay tunay na galing sa hanay ng kooperatiba.

Kabilang sa nominado nila sina Guillermo Cua, Engr. Jose Ping-ay at Cresente Paez.

Show comments