All hearsay in NAIA ‘escort job’ case

Itinuring na ng Philippine National Police na lutas na ang kasong pag­paslang kay United States Peace Corps Volunteer Julia Campbell makaraang sumuko at umamin sa krimen ang suspek na si Donald Juan Duntugan na isang 25-anyos na wood­carver sa Ifugao.

Ito ang inihayag ka­hapon ni PNP Chief Director General Oscar Calde­ron sa isang pulong-bali­taan sa Camp Crame sa Quezon City kasabay ng pagpapa­ harap kay Duntu­gan sa mga mamama­hayag.

Sinasabi ni Duntugan na napatay niya si Camp­bell nang mapagkamalan niya itong isa niyang ka­pitbahay na kagalit niya. Nawala siya sa sarili nang mabangga siya ng biktima sa paglalakad at mahulog ang mga dala niyang damit kaya pinukpok niya sa ulo ang babae. Pinabulaanan niyang ninakawan o hina­lay niya ang turista.

Nabatid na isinampa na noong Linggo ng Ifugao Police ang kasong murder laban kay Duntugan.

Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, hindi pina­yagan si Duntugan na mag­salita sa mga mama­mahayag. Palagi siyang nakayuko at umiiyak. Tak­da din siyang ibalik sa Ifu­gao mula sa Crame.

Idiniin naman ni Cal­deron na hindi utak-krimi­nal si Duntugan at nanini­wala siyang isang kabig­laanan ang nangyaring pagpaslang ni Duntugan sa biktima. (Edwin Balasa)

Show comments