"Napatay ko siya, pero yung iniisip ng iba na ginawa ko hindi iyon totoo," pahayag ni Juan Dontugan, matapos na sumuko sa Cordillera Autonomuos Region police. Humingi ng paumanhin si Dontugan sa pagkakapatay kay Campbell pero pinabulaanan naman niya ang report na ninakawan niya o ginahasa ang biktima.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-3:20 ng hapon nang sumuko si Dontugan sa Ifugao Police kasama ang kanyang ina.
Si Dontugan ay itinuro ng tatlong menor-de-edad sa lugar kung saan natag puan ang bangkay ni Campbell na nakabaon sa Banaue, Ifugao. Siya rin ang may-ari ng tindahan kung saan huling nakitang buhay ang biktima na bumili ng softdrinks.
Ayon kay Supt. Joseph Adnol, tagapagsalita ng Cordillera Administrative Region (CAR) kasalukuyang sumasailalim si Dontugan sa tactical interrogation.