Honasan, independent

Sinabi kahapon ni dating Senador Gregorio Honasan na mananatili siyang independiyente sa pagkandidato niya muli ngayon sa pagka-senador.

Nagalit pa anya siya sa mga ispekulasyon na nakipagkasundo siya sa administrasyon para maging kandidato ng Team Unity kapalit ng kanyang paglaya mula sa kulungan.

Malaking insulto ito sa kanyang pamilya na masigasig siyang ikinakampanya. Hindi rin anya siya sasapi sa Genuine Opposition dahil pinaninindigan niyang maging independiyente. (Joy Cantos)

Show comments