Earth day affair sinabotahe

Gumagamit na ng iba’t ibang taktika ang mga kalaban ni leading Malabon-Navotas congressional district candidate Jaye Lacson matapos putulin ang supply ng kuryente sa pinagdarausan ng pinamalaking event ng pro-environment group na LAMPARA sa Amphitheater na nasa likod ng Malabon City hall kamakalawa ng gabi.ý

Dismayado ang libu-libong kasapi ng LAMPARA sa maruming istilo na ginagawa ng mga kalaban ni Lacson dahil mistulang naging selective brownout ang nangyari sa paligid ng pinagdarausan ng okasyon.

Matapos magsalita ang lahat ng kandidato, isusunod na sana sa programa ang speech ni Lacson nang bigla na lamang nawalan ng ilaw sa Amphitheater subalit ang nakapaligid na komunidad ay hindi naputulan ng power supply.

Kaugnay nito, pinigilan na lamang ang pagpasok ni Lacson sa Amphitheater dahilan sa tensiyon na nangibabaw matapos mawalan ng kuryente. :(Lordeth Bonilla)

Show comments