Tinungo ni Honaxsan ang isang mall sa Quezon City kung saan naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao at marami ang naghayag ng suporta.
Prayoridad ni Honasan na maiparating sa mga botante ang kanyang plataporma at handa anya siyang makipagtulungan sa lahat ng kampo para mata_mo ang pagkakaisa.
Bandang 7:15 kamakalawa ng gabi nang tuluyang palabasin si Honasan mula sa Fort Sto . Domingo Detention Center sa Sta. Rosa, Laguna matapos maglagak ng P200,000 surety bond para sa kanyang pansamantalang kala boyaan.
Si Honasan ay kinasuhan ng kudeta dahil sa umano’y pamumuno nito sa Oakwood mutiny noong July 2003, bagama’t nabigo na_+man ang prosekusyon na patunayan ito sa korte dahilan upang payagan ang una na makapag-piyansa.
Nangako naman si Honasan na dadalo sa itinakdang arraignment ng kaso nito sa May 17, 2007. (Rose Tesoro)