Sinabi ni Defensor na dapat ibahagi ng Philhealth ang financial cost ng programa nito sa Social Security System at Government Service Insurance System para sa mga anak ng private at public sector workers.
Base anya sa pinakabagong National Demographic and Health Survey, 46,400 Pilipinong sanggol ang namamatay kada-taon dahil sa kawalan ng bakuna na panlaban sa mga nakamamatay na impeksiyon o sakit.
Sa kanyang panukala, ang Philhealth, SSS at GSIS ay magkakaroon ng ugnayan para sa libreng pabakuna sa mga accredited health professionals sa buong bansa.
Sa kasalukuyan aniya, maraming magulang ang nabibigong kumpletuhin ang kinakailangang bakuna sa kanilang sanggol dahil sa napakamahal na bayad sa immunization, gayundin sa mga doctor. (Malou Escudero)