Gayunman, sinabi ni GO Deputy Campaign Manager at San Juan Mayor Joseph "JV" Ejercito na hinihintay pa nila ang tugon ng Sandiganbayan sa kanilang mosyon na pahintulutan ang kaniyang ama na makapagdiwang ng kaarawan nito sa piling ng pamilya at mga kaibigan nito sa San Juan.
Si Estrada ay mahigit anim na taon nang nakakulong kaugnay ng kaso nitong plunder at ilan pang counts ng perjury sa Sandiganbayan matapos itong mapatalsik sa posisyon noong Enero 2001. (Joy Cantos)