Sinabi kahapon ni Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos na natanggap niya ang impormasyon na sa kabuuang bilang ng mga lehitimong botanteng Pinoy sa Los Angeles at Hawaii, umabot lang sa 758 ang nagparehistro para lumahok sa overseas absentee voting.
Nakakadismaya anya ito dahil milyun-milyon ang Pilipinong nasa LA at Hawaii.
Pero inamin niya na posibleng natatakot ang maraming Pilipino roon na mawala ang kanilang US citizenship kapag lumahok sila sa eleksyon dito sa Pilipinas. (Gemma Garcia)