Sa report kahapon ng Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology (Phivolcs), pitong baryo ang inulan ng abo na may taas na 4 kilometro mula sa bunganga at tumagal ng mahigit 20 minuto ang pagbuga.
Agad naman inutusan ni Edwin Hamor, alkalde ng Casiguran na nasa paanan ng Bulusan, ang isang barangay leader na paalisin ang mga turista sa isang resort doon kung tatamaan sila ng ashfall.
Namahagi na rin si Hamor ng mask sa mga residente para mapangalagaan sila laban sa masamang epekto ng abo sa kanilang baga.
Sa ngayon ay nasa lower alert level ang Bulusan at masusi itong minomonitor ng Phivolcs. (AP)