Sa 9-pahinang desisyon ni Associate Justice Vicente Roxas ng CA 13th division, walang nakitang paglabag sa batas ang namagitang kasunduan sa pagitan ng MIAA at PAL noong Nob. 14, 2006.
Nagkasundo ang MIAA sa pamamagitan ni dating Government Corporate Counsel Agnes Devanadera at PAL president and chief operating officer Jaime Bautista na bayaran ng hulugan ng P34.9 milyon kada buwan sa loob ng 7 taon ang sinisingil ditong landing at take-off fees, parking fees, lighting charges at tracking fees mula 1995 hanggang 2006.
Iniakyat ng MIAA ang kaso sa CA matapos paboran ng Pasay City Regional Trial Court branch 115 ang motion to dismiss na isinampa ng PAL noong July 21, 2003 subalit bago pa man madesisyunan ng appelate court ay nabuo na ang compromise agreement sa pagitan ng PAL at MIAA. (Rudy Andal)