35,579 bgys, may murang kuryente

Aabot sa 35,579 barangay sa bansa ang kasalukuyang nakikinabang sa murang singil sa kuryente mula pa noong Hunyo 2001 dahil na rin sa tulong ng party list group na Association of Electric Cooperatives o APEC.

Dahil dito, ang presyo ng kuryente na binabayaran ng mga tahanan sa mga probinsya ay mas mura kumpara sa mga tahanan sa Metro Manila.

Sa pagpupunyagi ng APEC, ang presyo ng kuryente bawat kilowatt hour ay nabawasan ng P0.23 sa Luzon, P0.17 sa Visayas at P0.22 naman sa Mindanao.

Ang APEC ay kinakatawan sa Kongreso nina Reps. Edgar Valdez, Ernesto Pablo at Sunny Rose Madamba.

Show comments