Ito ang mga salitang ginamit ng isang party list official upang isalarawan ang resulta ng voters’ preference survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) noong March 15-18.
Ayon kay Arnold Obina, tagapagsalita ng Alliance of Neo-Conservatives (ANC), isang pambansang multisectoral party list group na tumatakbo sa eleksyon ngayong Mayo 14, hindi isinama ng SWS ang ALIF at AVE sa mga mananalong party list groups subalit inilampaso ng mga nasa bing grupo ang Anak ng Bayan, Sanlakas at Abanse Pinay.
Binanggit din nito na noong 1998 ay inihayag umano ng SWS na mananalo ang Abante Bisaya, JEEP, AKO, ARBA, AMIN, Bisdak, Bantay Bayan, Aksyon Demokratiko, Akbayan, PROMDI, Akbayan, Abanse Pinay, KAMPIL at Bagong Pilipino subalit ang Ako, Akbayan, PROMDI at Abanse Pinay ang mga pinalad.
Hindi rin pinalampas ni Obina ang Pulse Asia dahil noong 2001 elections ay sinabi umano nito na mananalo ang APO Service, People Power Party, JEEP, PDP-Laban at Abante Ka Pilipinas party list groups ngunit ang malaking pagkakamali ay hindi nito naisip ang "flock voting" ng CIBAC at BUHAY.