Sinabi ni Paolo Alabado, sales manager at spokesman ng Triton Communication Corp., ang kabiguan ng Cebesos Development Corp./Pelican Bay Group Inc. sa paglagay ng traffic surveillance equipment pagkatapos na mai-award sa kanila ang kontrata para sa proyekto ay nagpapatunay lamang ng kawalan ng kakayahan para mag-install ng ganung sistema na mahalaga sa seguridad at paghahanda para sa summit.
Aniya, dapat bigyang-diin ng DPWH ang "absolute urgency" para sa agarang pagpapatupad ng traffic surveillance project, kung saan nabigo umano ang Cebesos na dalhin ang mga termino ng kanyang kontrata, na naging dahilan para magkaroon ng suliranin at panganib sa paghahanda sa seguridad para sa Asean meeting ng mga lider sa mundo.