Loren una sa straw vote

Nanguna si GO senatoriable Loren Legarda sa straw vote na isinagawa ng 75 miyembro ng Provincial Food and Agricultural Council ng Pangasinan kamakailan. Ayon sa mga nagpartisipa sa straw vote, pinaboran nila si Loren dahil sa track record nito bilang senador mula 1998-2004, integridad at ang advocacies niya para sa kalikasan, kababaihan at kabataan, katahimikan at pagsusulong ng karapatang pantao. Si Loren ang nangunguna sa senatorial surveys ng Pulse Asia, Social Weather Station (SWS) at Ibon Facts and Figures, bukod sa mga text polls na isinagawa ng maraming pahayagan. (Joy Cantos)

Show comments