Suspension ni Sanchez ibinasura ng CA

Pinawalambisa ng Court of Appeals ang utos ng Office of the Ombudsman na suspindihin nang anim na buwan si Batangas Governor Armando Sanchez kaugnay sa umano’y P350 milyong anomalya sa real property tax computerization project ng provincial government.

Sa 50-pahinang desisyon ni Associate Justice Regalado Maambong, idineklara ng CA na wala sa oras ang suspension ni Sanchez da hil panahon na ng eleksyon nang isagawa ito. (Rudy Andal)

Show comments