Ayon kay Defensor, ang SWS survey kung saan kopo ng mga kandidato ng oposisyon ang karamihan ng puwesto sa tinatawag na "Magic 12" ay hindi pa kapani-paniwala sapagkat lumilitaw na 20-30 porsiyento ng respondents ay hindi mga rehistradong botante.
Bukod dito, sinabi ni ’Tol Mike na masyado pang napakaaga para sabihing ang mga pumasok sa Magic 12 ng naturang survey ang siya nang magwawagi sa darating na halalan sa Mayo 14. "Masyado pang maaga. Huwag muna silang magsaya. Tandaan nilang bilog ang bola," wika ni Defensor. Iginiit ni Defensor na magkakaalaman lamang ang totoong magiging resulta ng eleksiyon sa pagsapit ng kampanya ng mga lokal na kandidato na siyang itinuturing na malaking makinarya ng Team Unity.