TF CGFNS tumulak pa-US

Lumipad na kahapon patungong Estados Unidos ang Task Force CGFNS para personal na kumbinsihin ito na payagan nang mabigyan ng "visa screen certificates" ang may 17,000 nurses na pumasa sa kontrobersiyal na 2006 Nursing Board Exam.

Bagaman inamin ng grupo na mission impossible ang kanilang lakad, hihikayatin ng TF CGFNS ang Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools na huwag nang gawing kondisyon sa pag-isyu ng visa screen certificate ang pag-ulit o re-take ng Tests 3 at 5. (Rose Tesoro/Danilo Garcia)

Show comments