Sinabi kahapon ni Presidential Legal Counsel Sergio Apostol na hindi na naman kailangang kumuha ng test sa CGFNS ang naturang mga nurse kung hindi naman nila gustong magtrabaho sa U.S..
Sa isang naunang pahayag, pinayuhan ni Labor Secretary Arturo Brion ang naturang mga nurse na sumunod na lang sa kagustuhan ng CGFNS.
May abiso na anya mula sa tanggapan ni CGFNS Chief Executive Officer Dr. Barbara Nichols na pinal na ang desisyon nito na huwag bigyan ng visa screen certificate ang mga pumasa sa naturang board exam.
Sinabi pa ni Brion na, bilang tulong, maaari na lamang sagutin ng gobyerno ang magagastos ng mga nurse na kukuhang muli ng examination.
Gayunman, ayon pa kay Brion, hindi naman pinapawalambisa ng Professional Regulation Commission ang lisensya ng mga pumasa. (Lilia Tolentino)