Ito’y matapos na dumating sa bansa ang 17-kataong "mission team" sa pangunguna ni Bishop Beverly Shamana buhat sa California-Nevada Conference ng UMC. Layon ng grupo na pag-aralan ang mga nagaganap na political killings at mga paglabag sa karapatang-pantao sa bansa.
Ayon kay Bishop Soli to Toquero, binisita ng grupo ang mga lugar ng Nueva Ecija, Leyte, Samar, Davao at Cagayan de Oro. Nagulat umano ang grupo nang malaman na maging mga taong-Sim bahan ay hindi pinapalagpas sa naturang mga pagpatay.
Dahil sa natuklasan, nakatakdang makipagpulong ang grupo sa kanilang mga mambabatas sa Estados Unidos upang magsulong ng imbestigasyon at pilitin ng kanilang pamahalaan na iatras ang suporta sa administrasyong Arroyo.
"We live in a global community. Whatever happens here has an impact in our lives in the US," ayon kay Shamana.
Una nang inilabas ng pamahalaan ang resulta ng imbestigasyon ng Melo Commission kung saan binigyan rin si United Nations special rapporteur Philip Alston kung saan hindi ito pumabor sa AFP partikular na kay retired Army Major Gen. Jovito Palparan.
Nakatakdang bumalik sa US ang grupo matapos ang dayalogo sa pamahalaan at sa Commission on Human Rights. (Danilo Garcia)