Pinadalhan na ni Abalos ang kampo ng tatlong senatoriables ng "written warning" kung saan posibleng maharap ang mga ito sa diskuwalipikasyon kung patuloy pa rin sa pagpapaskil ng kanilang mga posters at pagkakabit ng mga banner sa mga hindi puwedeng dikitang lugar.
Pinayuhan din ni Abalos ang mga ito na kusa na nilang tanggalin ang mga ikinabit na posters upang hindi na magkaroon pa ng aberya ang kanilang kandidatura at hindi na magsigayahan pa ang ibang mga kandidato.
Nanawagan din ang Comelec sa mga botante na maging maingat sa pagsusulat o "spelling" ng pangalan ng mga kandidato na kanilang iboboto sa balota. Posible kasing masayang lamang ang kanilang boto kapag nagkamali sila ng pagsulat o mapunta sa ibang kandidato ang kanilang boto.
Hanggang Lunes pa ang deadline para sa mga kandidato sa paghahain ng petition for disqualification kung sa tingin nila ay nuisance ang kapangalan o kaapelyido nilang kandidato at posibleng layon lamang na lituhin ang mga botante. (Danilo Garcia)