Ang paglilinaw ay isinagawa kaugnay ng napalathalang balita sa PSN kamakailan. Ayon kay Atty. Ramon Diño, nagbayad ng kaukulang piyansa si Abdullah noon pang Pebrero 8, 2007 at ang kaso’y dinidinig na sa hukuman.
Nagsimula ang sigalot ni Abdullah kay delos Angeles nang ilantad ng una ang umano’y multi-bilyong pisong "double your money scam" na kinasasangkutan umano ng Asia Trust Bank, Bank of Parañaque at Legacy Consolidated Plans Inc. na pag-aari ni delos Angeles.
Binigyang diin ng abogado na si Abdullah ay isang "unfortunate victim" na lumaban sa grupo ng mga "corporate criminals" pero siya ang ipinalalabas na masama.
Tinuran ng abogado na ang inireport ng PSN na "extortion" ng isang Victor Fortuna na nangyari sa Makati noong Nobyembre ng isang taon ay isang gawa-gawang reklamo ni delos Angeles. Si Fortuna umano ang magsisilbing star witness laban sa grupo ni delos Angeles.
Nang magsampa umano si Shahara ng reklamo noong January 4,2007, ang mga pangunahing opisyal ng Asia Trust Bank, Bank of Parañaque at Legacy ay nahaharap ngayon sa kasong syndicated estafa at paglabag sa banking and corporation laws sa Office of the Prosecutor sa Quezon City.