Namfrel pinayagang mag-quick count

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng quick count ng National Movement for Free Elections (Namfrel) at mga obispo para sa resulta ng May 2007 elections.

"I am very, very pleased to announce that Namfrel and CBCP’s National Secretariat for Social Actions (NASSA) have reached an arrangement that they would join forces for a quick count," pahayag ni Comelec Benjamin Abalos Sr. kahapon.

Ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na man ay naatasang mag-monitor ng eleksiyon.

Samantala, binalaan ng Comelec ang mga chief of police at local officials na papayag na magkabit ng campaign materials sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

Sinabi ni Abalos na pananagutin ang lahat ng barangay officials, mga pulis at chief of police para sa mga dumi na idudulot ng mga campaign materials.

Ang hakbang ni Abalos ay bunsod sa biglang pagbaha ng mga campaign materials sa lahat ng bahagi ng Metro Manila at probinsiya noong Martes bilang simula ng pangangampanya ng mga senatoriables. (Mer Layson/Gemma Garcia)

Show comments