Lovelife ni Noynoy,nauungkat sa pangangampanya

Dahil sa paggunita ng Valentine’s Day kahapon, hindi nakaiwas si Tarlac Rep. Benigno "Noynoy" Aquino III na hindi maungkat ang kanyang nagdaang lovelife habang solong nangangampanya sa Bacoor, Cavite.

Sa kanyang pagharap sa mga estudyante at magulang ng Malvar National High School sa Bacoor, ipinakilala si Aquino ni Cavite Rep. Joseph Emilio "Jun" Abaya, bilang ex-boyfriend nina ABS-CBN Channel 2 broadcaster Bernadette Sembrano at Korina Sanchez.

Katulad nina Sembrano at Sanchez na wala pa ring asawa, nanatiling single si Noynoy at nag-iisang binata na kumakandidato sa pagka-senador sa ilalim ng Grand Coalition ng United Opposition (UNO).

Pero aminado naman si Noynoy na maganda ang naging wakas ng kanyang pakikipag-relasyon kina Sanchez at Sembrano dahil napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan.

"Maaaring nabigo ako sa pag-ibig, pero ang kagandahan na man ay nanatili kaming mga magka kaibigan," pahayag ng mambabatas.

Dumalo si Noynoy sa imbitasyon ni Abaya matapos mamigay ng scholarhip sa 2,500 estudyante. (Malou Escudero)

Show comments