Ang grupo ay una ng nanawagan sa PNP na laliman pa ang kanilang imbestigasyon matapos lumutang ang posibilidad na may kinalaman ang mga tauhan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa krimen.
Ayon sa Justice for Truth, dapat din umanong kalkalin ng PNP ang pagbibigay ng simpatya ng mga NPA sa mga militante sa lalawigan ng Abra, partikular ang nangyaring pagpatay kay Bayan Muna provincial coordinator Roberto Teredano noong nakalipas na taon.
Si Teredano ay napatay ilang araw matapos nitong komprontahin si Bersamin hinggil sa mga proyektong nito na pinoponduhan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sinsabing nagkaroon ng pagtatalo si Teredano at Bersamin sa loob ng bahay nito na naging dahilan ng pagkakapahiya ng naturang mambabatas at makalipas ang ilang araw ay napatay ang lider ng Bayan Muna.
Ayon sa grupo, posibleng ang pagkamatay ng mambabatas ay may kaugnayan din sa pagkamatay ni Teradano na maaari umanong kagagawan ng CPP-NPA. (Mer Layson)